Friday, 11 May 2012

LOVE SONG for my MAMA...Happy Mother's Day!


“Did you ever know that you're my hero, 
and ev'rything I would like to be? 
I can fly higher than an eagle, 
'cause you are the wind beneath my wings.

I love you endlessly, Mama!

It's a treat to hug you, Ma! =) 
Sabi ng ibang tao, parang ang lakas ko raw. Ang totoo, marami rin naman akong pinagdaanan sa buhay, hindi laging masaya… normal naman yun, di ba?! Pero sa mga pagkakataon na sobrang masakit na ang mga pangyayari, malungkot, super hirap o grabe ka-challenging, yun tipong gusto ko nang mag-give up… yun parang hindi na kayang lumipad, kasi dapang-dapa na sa mga pangyayari at pinagdadaanan sa buhay…bakit raw parang hindi halata…saan daw nanggagaling ang lakas… Hindi nila alam, MAMA, IKAW yun dahilan kung bakit nakakayanan pa rin umahon  mula sa ano man na hamon sa bawat paglalakbay sa buhay… kasi andyan ka. Kasi lagi mong pinapalakas ang loob ko. Lagi mo akong binibigyan ng dahilan na kayanin ko ang kahit na anong suungin ko, dahil sinasabi mo, “Kaya mo ‘yan, anak… andito lang ako para sa ‘yo.”  Kaya Mama, THANK YOU FOR BEING MY HERO. For being the wind beneath my wings. SALAMAT PO, MAMA.

I LOVE YOU, MY HERO, MY MAMA!

“It must have been cold there in my shadow, 
to never have sunlight on your face. 
You were content to let me shine, that's your way, 
you always walked a step behind. 
Alam ko noong nasa sinapupunan mo pa lang ako, marami ka nang sinakrispisyo. Simula noong nagbuntis ka sa akin, marami kang tinalikuran… yun pagiging “IMELDA or BAYBEE” mo lang na nag-e-enjoy sa buhay pagkadalaga, pagbuo ng iyong mga pangarap, kaalwanan sa buhay… para lang AKO yun mabuhay, maitaguyod mo sa kabila ng lahat ng hirap na pinagdaanan mo…hindi ka naging madamot na bigyan ako ng pagkakataon na mabuhay… Ang “Baybee” ay naging “Mama ni MITZI”  Kaya Mama, THANK YOU FOR BEING MY HERO. For being content to let me shine. SALAMAT PO, MAMA.

MAHAL NA MAHAL KA NAMIN, MAMA!

So I was the one with all the glory, 
while you were the one with all the strength. 
A beautiful face without a name -- for so long, 
a beautiful smile to hide the pain. 
“Si MITZI… anak ko, yun!” Kapag may mga nami-meet ka na kakilala ko o kaibigan ko na matagal ko nang hindi nakikita or hindi sinasadya ay may nakakasalamuha ka sa mga contest o event na napupuntahan ko, yan ang sinasabi mo tapos masayang-masaya ka pag magke-kwento... Pero alam mo, Mama, mas proud ako na sabihin… “Mama ko po si IMELDA or si BAYBEE!” Kapag may mga sinasalihan ako o in-aattend-an, sabi mo, “Stage Mother ako ng anak ko…” Pero alam mo Mama, sa tunay na stage ng buhay ko, forever loving and supportive MOTHER kita. At lagi kong sinasabi na, dahil sa Mama ko, kaya nagawa kong tumuntong dito… hindi ko kaya mag-perform sa kahit na anong stage kung wala ka sa piling ko, Mama. Sa bawat ngiti mo, kahit alam kong pagod ka na sa pag-iintindi at pag-aasikaso sa akin kahit ganito na ang edad ko, inspirasyon ko palagi ang bawat ngiti mo at ang lakas mo ang nagiging lakas ko.  Kaya Mama, THANK YOU FOR BEING MY HERO. For being a beautiful face without a name—for being a beautiful smile…  SALAMAT PO, MAMA.
Salamat po, MAMA!!! 

It might have appeared to go unnoticed, 
but I've got it all here in my heart.
I want you to know I know the truth, of course I know it,
I would be nothing with out you. 
Madalas marami akong pinagkaka-abalahan…lalo na ngayong mga panahong ito sa buhay ko na patuloy ko pa rin hinahanap ang lugar ko sa mundo, hindi ko man madalas napaparamdam sa ‘yo na kahit malayo ako, kahit saan ako magpunta, kahit gaano ako kaabala, dala ko lahat sa puso ko ang pagmamahal mo…ang pag-aaruga mo, ang pagtuturo mo sa akin ng mga dapat pahalagahan sa buhay, sa sarili, sa kapwa at lalo’t higit ang pagpapahalaga sa Diyos. Nasaan man ako, Mama… Ano man o sino man ako ngayon at sa mga darating na panahon… gusto kong malaman mo na walang lahat yun, kung wala ka… kung wala akong INA na katulad mo… “AKO ay AKO dahil sa’yo… dahil sa pagiging mabuti mong MAMA kaya nagiging mabuti ako bilang tao, bilang anak, bilang kaibigan, bilang tagapaglingkod, bilang ako… dahil sa 'yo…dahil mabuti kang INA.”  Kaya Mama, THANK YOU FOR BEING MY HERO. Without you, I would be nothing.  SALAMAT PO, MAMA.

Wind beneath my wings...my MAMA.
Fly, fly, fly away, 
you let me fly so high. 
Oh, fly, fly, 
so high against the sky, so high I almost touch the sky. 
Thank you, thank you, thank God for you, 
the wind beneath my wings. 
“Sige, anak, kaya mo yan…” “GO lang, Anak, kaya mo, yan, ikaw pa!” Sa bawat ginugusto kong gawin para mas makilala ko ang sarili ko, para matupad ko ang mga pangarap ko, para maabot ko ang mga gusto ko, para makita ko ang lugar ko sa mundo… lagi mo akong sinusuportahan. Lagi kang nasa likod ko… kahit alam kong masakit sa ‘yo at nalulungkot ka sa t’wing lumalayo ako sa piling mo at alam kong mas nasasaktan ka sa mga pagkakataon na nasasaktan ako, nag-aalala ka sa mga pagkakataon nakikita mo na na napapagod na ako, sa mga oras na gusto ko nang sumuko sa pagkakataon nabibigo ako…hindi ko kahit kailan naramdaman na iniwan mo akong mag-isa at pinabayaan na basta na lang sumuko at ‘wag na lumipad ulit at magpatuloy sa paglipad at pag-abot ng kalawakan ng buhay… Namamangha na lang ako sa mga pagkakataon na lumilingon ako sa nakaraan at nari-realize ko na, nalampasan ko yun dating inakala kong malayo…nakayanan ko yun tingin ko mahirap… nagawa ko yun…akala ko hindi ko kaya…akala ko impossible…pero, "buti na lang andyan si Mama, buti na lang naniwala siya na kaya ko at maaabot ko ang bahaging ito ng buhay ko…”  Kaya Mama, THANK YOU FOR BEING MY HERO. For being the wind beneath my wings. SALAMAT PO, MAMA. Sobrang ipinagpapasalamat ko po sa Diyos na binigyan Niya ako ng isang INA na tulad mo. Mama, ikaw ang pinakamahalagang regalo at biyaya ng Diyos sa akin. IKAW ang lahat sa buhay ko. Ikaw ang buhay ko. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA, MAMA. MAHAL NA MAHAL.

WE LOVE YOU, MAMA!!!
Ang araw na ito ay talagang dapat ipagdiwang dahil mayroon akong isang napakamabuting INA na pinagmamalaki ko sa buong mundo… na sobrang pinagpapasalamat ko sa Diyos at habambuhay kong ipagpapasalamat sa Diyos.
I LOVE YOU, MAMA! I am so proud to be your daughter! I am so proud of having YOU as my MAMA. YOU ARE THE BEST! With all my heart, THANK YOU VERY MUCH AND I LOVE YOU ENDLESSLY!”  HAPPY MOTHER’s DAY, MAMA!  

No comments:

Post a Comment